Pondo sa Papal visit, hindi pa naitakda

Nilinaw ng Malacañang na wala pang naitatakdang budget ang gobyerno para sa pagdalaw sa bansa ni Pope Francis sa Enero ng susunod na taon.

Sinabi ni Presidential Communications Operation Office Secretary Sonny Coloma na wala pang naitakdang pondo sa nasabing historical event at hinihintay pa ang magiging pinal na assessment ng organizing committee.

Kinumpirma ni Coloma na nagpulong kahapon ang organizing committee kasama sina Ambassador Marcial Paynor na katuwang ni Executive Secretary Paquito Ochoa na tumatayong committee chairman kung saan patuloy pa nilang pinag-aaralan ang budget proposal ng mga concerned agencies.

Matatandaan na ilang araw ding mananatili sa bansa ang Santo Papa na darating sa Enero 15 hanggang 19 habang kabilang sa mga activities nito ang misa sa Manila Cathedral, pagbisita sa Malacañang, pagbisita sa University of Santo Tomas, misa sa Quirino grandstand at ang pinaka-highlight ay ang pagdalaw at pakikisalo sa pananghalian sa ilang mga taga-Tacloban city na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong nakaraang taon.

Source: http://brigada.ph

0 comments:

Post a Comment

 

© 2013 Pope Francis. All rights resevered. Designed by Templateism

Free Blogger Templates

Designed by Pope Francis Copyright © 2014

Back To Top